Hello BDT!!! Ang tagal ng hindi na-update ang blog na ito ha... Well... siguro nga eh masyado na tayong busy with our lives... Anyways, just want to share our current status with you and BDT.
Its been 3 months ago since we had our last official studio pic... ang tagal na noon, now we're looking to a date where we can do it again...
Sira na ang Dance Maniax sa Quantum... nasira kasi ung leftmost sensors nun kaya hindi na viable for play. Last month p xa na-evict at miss na miss na namin ang nagpasimula ng BDT.
Ang aming leader na si Maton, Gelie, at Vanir, nahuhumaling na sa ParaParaParadise. They are really giving all their efforts para makapantay sina Ph, JayV, CM, Julius, at Niño.
Dance Dance Revolution is making a big bang in the group. Nangunguna si Ph sa kaadikan followed by JayV and Maton. Halos 1 foot ang displacement sa pad kapag naglaro ang mga ito... ako nman, naaadik sa Max 300. Ewan ko ba, pero I see beauty sa mga steps. I compare it to the Quickening of Dance Maniax. Unti-unting umaakyat ang BDT at the top of Dance Revo... gustong talunin ang mga college students....yayks.....ahihi...kayang kaya yan!
Nung birthday ni Maton, nagbump kart kami sa 5th floor ng Sm Manila. Ang saya saya!! Un lang ata ang aming recreation na hindi nakakapagod. Kahit 5 minutes lang ang ride eh sulit nman ang P20 at ang experience nmin.
Napadalas na rin ang ice skating sa grupo lalo na sa mga malalapit sa Southmall. Simula ng matrauma sa Megamall ay tiniis n ang layo ng Las Piñas. Sina Ph, JayV, Anna, Bea, Kalen, at Cristina ay ang mga nangunguna sa skating greatness. A lot of effort is being exerted para matuto ng mga tricks. Pinapanood ang mga nagtratraining sa rink. Sana ay isa sa amin ay maging tagapagmana ng legacy ni Frances Pacheco sa ice skating for the name of our school.
Excited na ako para sa sportsfest na ggwin ng BDT sa March 3. Exciting kasi may billiards, badminton, at bowling (uyy, lahit letter "B" ang simula). But before that eh may prom at sci camp pa...
Ang mga girls ng mendel, nagpaplano ng Slumber Party kina Alyssa after ng prom. Im sure they will have a lot of fun... Sana magtake sila ng pictures para makita nmin...ahihi
So hanggang dito na lang muna ang post na ito... sana nag-enjoy kau.... merci vo cou!